A New Age of Herbal Medicine
MAIN HOMEPAGE NAVIGATOR  
  Home
  Project Narrative
  => Salaysay ng Proyekto
  Pansit-pansitan
  Bitter Melon
  Garlic
  Guava
  Ngai camphor
  Herba Buena
  Chinese Honey Suckle
  Wild Tea
  Ringworm Bush
  Lagundi
  Herbal Statistics
  Planting Procedure
  Special Thanks to the Filipino-Canadian Organization
  Benefactors
  Guestbook
  About us
  Bibliography
  Contact
  Gallery
  Please visit the POLL!!
  Mendel's Web Masters
Salaysay ng Proyekto

   
PAMAGAT:
Ang Bagong Henerasyon ng Medisinang Herbal

KATEGORYA:
4, Local Specialties, Sports, at Health

URL:
w
ww.icnhs-herbal-medicine.page.tl

PAARALAN:
Iligan City National High School

LOKASYON:
General Wood Street, Mahayahay, Iligan City, Lanao del Norte



    Mga estudyante sa Iligan City National High School na may edad 14-16 taong gulang ang nagtulungan para makumpleto ang proyektong ito. Ang mga kalahok na estudyante ay pinamunuan nina Gng. Annallee Aron(guro sa Reseach) at Bb. Victoria Cordova (guro sa Computer) kasama ang mga mananaliksik na sina Rod Leopoldo, Zyren Erok, Manry Pizarras, Jarvis Pepito, at Cielo Lacandula. Ito na ang pangatlong beses ng paaralan na makilahok.

Lokasyon ng Paaralan:
Mahayahay, Iligan City, Lanao del Norte, Philippines.


Salaysay ng Proyekto



    Paglalarawan ng aming Komunidad

    Ang pangkalahatang taunang kita ng isang pamilyang pilipino ay P32,000 (NSO,2006).Nangangahulugang kada araw may P88.89 na natatanggap ang isang pamilyang pilipino. At ito'y hindi sapat upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng isang pamilya lalung lalo na kapag nagkakasakit ang isang miyembro. Hindi na makakabili ng medisina ang pamilya. At hindi na dapat maghintay ng isang taong makakalutas ng problemang ito o maghintay sa gobyerno na tugunan ang problema pero maghanap ng mga alternatibong solusyon. Ang leksyong ito ay mapag-iisipan ng komunidad (magulang, LGUs, NGOs, at mga establisimentong pangnegosyo) at magiging parte ng paglutas ng problemang pangmedisina at pagbibigay alam sa mga mag-aaral at sa mga tao sa mundo sa Internet sa kahalagahan ng medisina sa paggamit ng alternatibong medisina. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng mga survey at orientasyon sa mahigit na pitong libong mag-aaral ng ICNHS ukol sa pagrekomenda ng halamang erbal na hindi nakakalason. At gagawa rin sila ng isang site na naglalaman deskripsyon, fytokemikal kontents at mga kagamitan ng mga halamang erbal. At sila'y makakaranas ng isang panibagong yugto ng halamang erbal na pangungunahan ni G. Bernabe Bon na isang Agrikultyurist. At ang website na ito ang siyang magiging kinatawan sa 2008 National at International Web developing contest. At ang magiging pag-asa sa pagdadala ng karangalan sa kanilang lungsod at maging sa kanilang bayang pinanggalingan.


  

    Buod ng Proyekto


    Sa paglipas ng panahon, ang tradisyunal na sistema ng medisina at ang modernong medisina ay naghiwalay ng landas sa myutwal na hindi nagkakagustuhan. Pero magkatulad lamang ang kanilang hangarin: para maayos ang kalusugan ng mga tao at ang kalidad ng buhay. Sa kasamaang palad, ang kaibahan ng dalawang sistema ng medisina ay halos hindi na nagtatagpo ang mga mundo ng mahihirap at ng mayayaman. Ang sining mga matatandang herbalista ay bumaba sa mga nakaraang taon kasabay ng pagtaas ng mga bagong estratehiya at bagong kagamitan ng modernong medisina. Nangangahulugan ito na ang mga tao na naghihirap ay hindi nakakapag-enjoy sa lahat ng complikadong teknolohiya kaya sila ay nakadikit sa mga herbalista bilang mga taong bihasa sa kalusugan.



    Aming kompyuter at internet access

   
A. Bahagsan ng estudyanteng gumagamit ng Internet sa bahay: 40%

B. Bilang ng "workstations" na may "internet access" sa loob ng silid-aralan: 2


C. Lakas ng Koneksyon na ginagamit sa loog ng silid-aralan: 100.0 Mbps.

D.Bilang ng taon na konektado ang silid-aralan sa internet: tatlong taon

E. Karagdagang komento ukol sa palagay ng kompyuter at/o "internet access":

    Ginagamit ang mga kompyuter sa aming paaralan sa mga presentasyon ng mga report at gayun din sa pagreresearch.

 


    Problemang kinailangang Lampasan

    Una sa lahat, kailangan namin magmadali dahil kami'y magatatapos na sa hayskul at halos lahat ng aming mga guro ay nagbigay mg iba't ibang proyekto para sa aming pangangailangan. At kailangan naming maghanap ng oras para gawin ang proyektong ito. Dagdag pa rito, kami ay napaalam ng huli dahil sa disrapsyon ng mga klase. Dagdag pa rito, wlana kaming sapat na badyet para gumawa ng aming “herbal garden” kaya kailangan naming humingi ng tulong pinansyal sa ilang lokal na opisyal ng gobyerno na hindi madaling gawin para sa amin.

     Ang ilan sa amin ay nawalan ng pag-asa, at ang iba ay nawalan ng interes. Pero sa tuwing nakikita namin ang mga mukha ng aming tagapayo, mukha ng determinasyon, kami ay nadala sa sitwasyon at nagkaroon ng pag-asa.

 

     Bunga sa Lipunan

   

    Dahil sa proyektong ito magkakaroon ng wastong kaalaman at positibong pananaw ang mga tao sa tradisyonal na panggagamot at sa paggamit ng medisinang erbal. Matatanto din nila ang kahalagahan ng mga tanim sa kanilang mga bakuran. At makakapag-anyaya sa mga tao sa paggamit ng medisinang erbal na tiyak na may mababang halaga sa pagsupil sa iba't ibang karamdaman sa lipunan. At panghuli, maraming matutuklasan na ibang bagay na mahalaga sa larangan ng environmental health.
 

 

   
Kagandahan ng Proyekto


        Naramdaman namin ang tagumpay at katuparan ng aming mithiin gayong alam namin na kami ay nagbigay daan sa kaalaman ng komunidad tungkol sa paggamit ng erbal na medisina at magbibigay daan sa pagsagot ng mga maling konsepto na umiiral sa komunidad sa larangan ng environmental health.


Mga Leksyon at Surpresa
   

        Kami'y mga estudyanteng sanay sa teknolohiya at babad sa makabagong kagamitan sa bagong henerasyon. Isang maling impresyon na dapat tayong malayo sa mga sinaunang pamamaraan.
        Kaya naman sa proyektong ito, napagtanto namin ang kahalagahan ng mga alternatibong pamamaraan lalung-lalo na sa medisina.
  

EDITORS  
  Iligan City National High School Students:

Rod Daniel S. Leopoldo - IV-Enstein

Zyren Mark C. Erok - IV-Maxwell

Jarvis Dayneille V. Pepito - IV-Einstein

Manry Joe A. Pizarras - IV-Rizal

Cielo A. Lacandula - IV-Einstein
 
Advertisement  
   
Today, there have been 411577 visitors (1510486 hits) on this page!
=> Do you also want a homepage for free? Then click here! <=